Salamin

Birthday ni Mike.  As usual nagiinuman ang mga magkukumpare.  May lakad si Judge kaya nagpaalam na.  Bago pa nakaalis sa bahay ni Mike ay pinakuha ang bill ng mga ininom nila sa tindahan ni Cora.  Pagkabigay ng bill sa kanya ay kinapa ang mga bulsa at hinahanap ang salamin.  Hindi makita ni Judge.  Napangiwi si Panday habang ang lahat ay nag aabang kung mahanap ni Judge ito.  Naalala tuloy niya ang kuwento ng salamin ni Judge.

<Flashbak to 3 years ago>
Alas siyete ng umaga.  Sabado.  Dumating si Judge sa talyer ni Cora.  Hung over. Magpaayos ng sasakyan.  Nawawala si Panday.  Tinawagan ni Judge.

Judge:  Hello?

Panday: Hello sir? 

Judge:  Nasa talyer ako.  May paayos ako.  Malala mo kagabi? Pagbaba ko sayo dito sa tapat ng talyer may biglang tumawid na pusa ata o aso ata. Di ko naaninag.  Tumama sa sasakyan ko.  Pa pokpok ko lang sayo.

Panday:  Ako po yun.  Sunduin nyo po ako sa ospital.

Noong sumunod na lunes, nakinig na si Judge.  Dito na siya nagsimula mag salamin.

<Back to present>
Pagbalik ng diwa ni Panday sa kasalukuyan, napansin niya na wala na ang mga kainuman niya.  Pagtayo niya para umuwi sa talyer ay napansin niya may naupuan siyang isang salamin.

Nagkataon

1981.  Bicol

Habang hinihintay ni Panday ang panganganak ng kanyang asawa sa ospital, may kasabay siyang tatlong lalake sa waiting area.  Lumabas ang nurse at sinabihan ang unang lalake “Sir twins po anak ninyo”.  Nagulat ang lalake dahil sa Twin Corporate Center daw siya nagtatrabaho.  Makalipas ang limang minuto, lumabas ulit ang nurse at sinabihan ang isa pang lalake “Sir, triplets po ang anak ninyo”.  Nagulat din at natuwa ang lalake dahil sa Tree Sisters Bakery daw siya nagtatrabaho.  Lumabas ulit ang nurse at bago pa nagsalita ay inunahan na siya ng pangatlong lalake “Sa Four Walls Cafeteria ako nagtatrabaho, ibig sabihin may quadruplets ako!” at totoo nga.  Ang saya ng tatlo nagtatalunan pa sila.  Si Panday na ang kasunod.  Bago pa lumabas ang nurse ay namutla at tuluyang nagfaint siya.  Noong nagising siya tinanung siya ng tatlong lalake kung anong problema. “Sa 7-11 ako nagtatrabaho” sagot ni Panday.

Ang Runner

Si Boying.  Siya ang runner tuwing nagiinuman ang magkukumpareng sina Kris, Panday, Boy at Mike.  Nakikitira siya kay Mike.  Isa din siyang traysikel drayber.  Mahilig siya uminom ng hard.  Kamukha ni Vic Sotto kaya tinatawag na Bossing.

Ang Mata

Si Fernando.  Kaibigan at kainuman ng magkukumpareng sina Mike, Kris, Boy at Panday.  Nakatira sa isang barber shop malapit sa bahay ni Mike.  Walang trabaho.  Araw-araw walang ginagawa kundi mag tsismis ng mag tsismis.  Gustong mag abroad pero hindi makahanap ng trabaho sa abraod.

Ang Accountant

Si Kris.  Isang accountant sa Makati.  Kumapre ni Mike, Panday at Boy.  Tenant ni Cora.  Laging walang pera.

Ang Hari

Si Judge.  Kaibigang judge ng magkukumpareng sina Kris, Mike, Boy at Panday.  Malakas sa inuman.  Galante.  Mapagkumbaba.  Laging nagpapaayos ng sasakyan sa talyer ni Cora dahil laging gasgas ang sasakyan niya.  Maputi na ang buhok.  Tubong Zamboanga.

Ang Tindera

Si Bering.  Siya ang tindera ni Cora sa kayang tindahang Kainan to Go.  Tubong Iloilo.  Napadpad sa Manila dahil gustong kumita ng pera.  Nililigawan ni Boying.

Ang Latero

Si Panday.  Ang laterong taga Bicol.  Dating magaling na insurance agent pero dahil tinatamad na mag plantsa, minabuti nalang maging isang simpleng latero lamang.  Trabahador siya ni  Cora (ang may ari ng Talyer On The Go at Kainan Max sa aming lugar).  Dalawa ang anak ni Panday.  Nasa Bicol kasama ang kanyang asawa.  Kumapre din siya ni Mike at ni Kris.

Ang Bagong Bayani

Si Boy.  Isang balikbayan galing Saudi.  Nagtrabaho doon bilang isang pintor.  Walang asawa.  Kapitbahay ni Mike at ni Cora. Kainuman ng magkukumapreng Kris, Mike at Panday.  Ngayon ay tambay lang at kumikita gamit ang pautang na pera.

Ang Kristo

Si Mike.  Ang Kristo sa sabungan.  Isa din siyang bookie sa karerahan.  Kumpare niya si Panday at Kris.  Kapitbahay naman niya si Cora.  Nagasawa ng isang mayaman.  Komedyante din si Mike.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.